Uncategorized

Isang Panawagan

image.jpeg
ctto

PInoy is at fault for every bad things happening around now to our country. Kasalanan ni PInoy pag traffic, hindi ba pwedeng bakit kasi kayo nagpapark na parang inyo ang mga service roads na makakatulong sana para lumuwag ang kalsada. Kasalanan ni PInoy kasi wala kang trabaho. Dalawa lang yan eh, either tamad kang maghanap at choosy ka or lagi kang natatanngal dahil madalas kang late o absent sa trabaho. Kasalanan ni PInoy dahil maraming batang palaboy na nagugutom, pero ikaw naging responsible ka bang magulang na inisip muna ang kapakanan ng mga magiging anak mo bago ang pansariling kaligayahan.
Kasalanan ni PInoy lahat ng masasamang nangyari sa bayan, pero ikaw ba , may ginawa ka na bang ambag para magbago ang sitwasyon natin at ng bansang ito? Kung wala, mas magandang manahimik kana lang! Galit ka na madumi at makalat ang Manila, pero hindi mo nga maitapon ang balat ng candy mo sa tamang lagayan. Anim na taon na ang nakakaraan, ganitong ganito din ang tingin natin kay PInoy, binoto natin sya ng walang pagaalinlangan , kumapit sa pag-asa ng pagbabago at tuwid na daan. Ginawa nya ang lahat, pero hindi natin sya tinulungan. Hindi kayang baguhin ng isang tao lang ang Pilipinas. Sa dulo ng kwento , ikaw na naghalal ang una ring nadisappoint. Anong pinagkaiba sa kasikatan ni ng mga dating Pangulo? Pangmasa, makamahirap kuno, pero kinain din ng sistema ng gobyerno? Sinong magsasabi na iba ang magiging kwento kung si Duterte, Mar, Poe, Miriam o Binay ang manalo? Ang resulta, ihahalal natin at tayo lang din ang magpapatanggal. Habang tayo ay patuloy na puro pagpuna lang sa masama ang kayang gawin at walang paghahangad na iangat o baguhin ang sarili natin, malabong makaahon tayo. Para itong cycle na iikot lang ulit matapos ang anim na taon.
May pag-asa pa! Eto lang ang pinakamatibay na pwede nating panghawakan. Pero hindi sa iisang tao lang ito nakasasalay.
Nakakalungkot na halos sambahin natin ang mga pulitiko kapag nakasinag tayo ng pangakong pag-asa. Gusto nating yakapin ang pagbabagong hinahangad nya. Ngunit sa huli tayo pa din naging dahilan ng ating patutuloy na paghihirap. Itigil mo na ang pagiging tagahanga, na sarado ang isip sa kung ano man ang mali o kapintasan. Simulan nating maging responsable, resonable at makabayan. Hindi makakandidato lang!
Mabuhay ang Pilipinas!

-PersonalMind-

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s