Emotions

Isang Paglaya

A sad story to tell…

Sabi nga, you will only know the worth of a person when he or she was already gone”.

Kung buong buhay mo ay nagmamahal ka at nasasaktan , nasaan ang hustisya ? Minsan ito din ang nagiging dahilan kung bakit napapagod at sumusuko na lang ang isang tao.Rason kung bakit nagiging matigas ang puso ng isang karaniwang napagmahal na babaeng katulad ni Chaityme.

When you happen to met a perfect guy at the middle of a very devastating pain, papaano mo haharapin at tatanggapin ang pagmamahal nya?Susubukan mo , subalit mauuwi ang lahat sa katotohanang ginagamit mo lang sya para makapag move on ka. Hanggang sa magigising kang pumasok ka na sa isang relasyon na hindi ka sigurado sa nararamdaman mo.  Magiging mahirap ang lahat dahil ang lalaking pinili mo ay isang matalik na kaibigan , isang mabuting tao at totoo ang pagpapahalaga sayo. Titiisin mo , pipilitin mo ang sarili mo na baka sakaling magwork out ang lahat sa tamang panahon. Iisipin nyang mahal mo sya. Maniniwala sa mga pagpapanggap mo.Ibibigay nya sayo ang lahat ng kailangan mo. Lahat ng bagay na hindi mo nakuha sa lalaking nanakit sayo. Patuloy kayong gagawa ng alaala.

Hanngang isang araw naisip mo na lang na hindi ka naman pala masamang tao. Hindi mo kayang manggamit o manakit ng kapwa mo. Manghihinayang ka sa pagkakaibigang tingin mo ay sinisira mo.

Nag-usap kayo. Nagpakatotoo ka. Pinili mong iligtas ang inyong pagkakaibigan mula sa makasarili mong interes. Lalayo ka na. Bibigyan mo na ng laya ang sarili mo. Sabi mo kailangan mo munang mabuo muli para makapagmahal ka ng iba. Sabi mo , para rin ito sa kapakanan nya. Ayaw mo syang masaktan. Subalit huli na ang lahat. Nadurog ang puso nya dahil sa ginawa mo. Patuloy syang umasa na isang araw magbabago ang isip mo, babalik ka at susubukang muling maging maayos ang lahat. Ngunit mas pinili mong lumayo. Mas pinili mong mag-isa. Naisip mong mas tama yon noong mga panahong yon.

Lumipas ang mga araw , isang lalaki ang muling sumira sa buhay mo. Nagpakagago kana naman. Pinili mong magdusa ng dahil sa pagmamahal. Naalala mo sya, inisip mong sana makahap ka muli ng lalaking kasing bait nya. Nagpatuloy ang buhay. Pinilit mong lumaban at umahon.

Isang taon ang muling dumaan. Sa dulo ng kalsada ay mayron ka muling nakilala. Sinabi mo sa sarili mo na bigay sya ng Dyos sayo. Isang responsable at mabuting tao. Nagsimula kayo ng panibagong buhay. Subalit sa gitna ng kwento ay muli kang sinubukan ng tadhana. Pinaiyak at sinaktan ka ng taong pinagkatiwalaan mong magiging mabuti sayo. Pero bato na ang puso mo. Pinili mong gumanti at lumaban.

At pagkakataong iyon may muling nasaktan. Sinabi mo sa sarili mo na tama lang yon. Na bakit mo iisipin ang iba kung sa bawat sandali ay ikaw ang nagdurusa.

Ngunit malupit ang buhay.

Kinailangan mong manakit upang mailigtas ang iyong kinabukasan. Hindi ka na bata. Maaaring lahat ng nangyari ay bunga ng iyong mga maling desisyon. Sabi mo sa sarili mo, bawat kahinaan ay may kalakip na lakas, na baka bukas at sa susunod na araw, gigising kang matatanaw mo na ang liwanag.

At sa dulo ng kwento , kasama ang taong pinili mo, nanatili kang masaya . Wala na ang sakit ng mga alalaala.

Ngunit malupit ang buhay.

Dahil sa kabila ng lahat , sa hindi mo inaasahang panahon. Isang dapithapon, na muling babalik sa alaala mo ang iyong kaibigan. Sa sulok ng puso mo ay mararamdaman mo ang panghihinayang.

Batid mo na masaya na ang taong labis mong sinaktan, pero hindi maiwasan ng isip mo na sana, sana , bakit sana hindi na lang ikaw.

Hindi na lang nakita. Hindi naalala. Hindi sana kita sinaktan. Gusto kung sabihin sayo na sana ako na lang. Bakit hindi ako ako lumaban ng mas matagal? Isang duwag na nagpatalo sa takot na magmahal .

Ngunit malupit ang buhay.

Sa dulo ng kwento, muli tayong pipili at gagawa ng desisyon. Aasa na sana ay tama na nga lahat yon.

Maninindigan at maniniwala na eto na, eto na ang pinaka mabuti, para sayo, pasa sa kanya at para sa lahat ng taong nakapaligid sa inyo. Mabubuhay ako at sasabihin sa lahat na hindi lahat ng kwentong pag-ibig ay masaya. Subalit dahil tuwing nagmamahal ay kailangang marunong kang magsakripisyo. Magbigay. Masaktan.

Magpalaya. Palayain ang sarili sa nakaraan. Magpatuloy sa paghinga at lumaban. Lumaban sa mga sariling kahinanan.

Isang paglaya. Isang makabuluhang paglaya.

End…

broken-heart

 

Advertisements

1 thought on “Isang Paglaya”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s